Tag Archives: Nike Nuevo

DONT TALK TO STRANGERS

21 May

Nais ko lng Ibahagi ang kwento at karanasang ito na kasalukuyang nagbibigay ng sakit sa ulo sa akin.Bilang estudyante ng Midya ay naturuan ako ng tamang mga pamamaraan na mula sa pagsulat ng manuscripto. Ng tamang Format at paraan ng pagsusulat,at lalo na ng tamang paraan ng paggamit ng ating sariling wika. Sa akin namang OJT ay natutunan ko na maging isang staff ng isang produksyon. Kung paano ka dapat UMAYON SA ORAS na itinakda, MAKITUNGO SA MGA ARTISTA at lalong lalo na Pangalagaan ang pangalan ng produksyon. Naaalala ko ng may pinagalitan sapagkat nauna pa ang artista kaysa sa produksyon ,importante ang pangalan. Ngayon sumariwa lahat ng aking natutunan at napatanong ako ng “BAKIT SILA GANYAN?” Asan ang manners, ang breeding ang class at higit sa lahat asaan ang pagiging propesyonal sa sitwasiong ito? Napasali na ko sa ilang komersyal,nakarampa na sa ibat ibang entablado,kasalukuyan na ring nakaarte sa entablado at ako bilang photographer ay hindi ganito sa aking mga kliyente o Katrabaho

ANG SITWASIYON

Abril ng mayroong mag PM sa akin sa Facebook, siya si Abeige Buendia (Ayon sa pangalan nito sa Facebook) Isang Estudyante ng ATENEO DE MANILA UNIVERSITY sa Katipunan kumukuha ng kurosong BS BIOLOGY. Inakala ko siya si BN isang kababata na hindi ko nakikita mula ng akoy lumipat ng tirahan kaya’t hindi ko na alam ang mukha niya.Nakiusap siya sa akin kung maaari niya kong kuhain na Artista sa kanilang maikling pelikula na isasali sa Film Fest. Ang istorya ng kanilang peikula ay base sa totong pangyayari ,sa isa nilang kaibigan na nagpakamatay dahil sa kanyang girlfriend na gumawa ng isang ala ramona revilla na video,kung saan isiniwalat nito lahat ng kasalanan at pagkakamali nito sa boyfriend. Ang sinabi nila ay ayaw nila na ilabas ang video kung kaya humanap sila ng malapt sa itsura nito na magpapalabas ng replica ng video.Ang role ng babaeng nagcoconfess sa video ang aking ginampanan ayoko kunin noong simula ngunit nagmakaawa siya saakin at kinulit niya ko ng kinulit ang rason niya bagay na bagay daw ako sa role ng babaeng iyon. Ang kanilang rason taga lasalle din daw at  magkapangalan kami sa palayaw. Hindi naman ako isang napakasikat na artista para magmataas at tangihan ang role na ito. kaya ang aking sinabi “sige send me details and ung script pero may TF to ha?”. Hindi naman kataasan ang hiningi kong TF tama lang at presyong estudyante. Pumayag na ako, marami akong kaibigang gumagawa ng pelikula at nakikita ko ang kanilang oras at pagod na ibinubuwis para lamang matapos ang pelikula nito.Nagulat ako noong nakita ko ang script nila halos 4-5 pages na single space na ako lang ang magsasabi dinaig pa ang monologue na ginawa namin sa aming play.Nasa TEXT LANGUAGE o maaaring sabihing “Jeje Language “(Hal.”aman” sa halip na “NAMAN”, “xa” imbes na “sa”) Di ko na pinansin ito inisip ko nlng baka ganoon talaga sila magsalita. at kung tatalikuran ko ito paano naman sila? APRIL 20 ang aming napagusapang araw ngunit hindi sila nagbigay ng lugar ako na ang nagmagandang loob na tumulong at magtanong ano bang lokasyon ang kailangan ninyo? ang sabi ay white wall daw ako naman unang naisip ko ay maraming white wall sa highstreet at maaring kumain nlng doon at ishoot since wala naman silang sinasabi. Dumating ang April 20

APRIL 20

10 am ang usapan namin pero nagtext sila na mga 11 na lamang kami magkita sapagkat malalate sila.sige ako ay naghintay ngunit mga 12 ay wala pa rin sila at malapit na mag 1 ay wala parin sila. ako ay nananghalian at naghintay ngunit medyo napuno ako sa kanila at sinabi ko “kung wala kayo dito ng 2 ay aalis na ako”

Hinaing:

Hindi naman yata tama na paghintayin ako ng halos 3-4 o mahigit pa na bilang ng oras sa kanila SILA ANG MAY KAILANGAN SA AKIN! napaka UNPROFESSIONAL nila. Sinabi ko iyon sa kanila noong sila ay nagmamakaawa sakin na pagbigyan sila. Nasayang na gasolina ko nalipasan na ako ng gutom, nasayang ang araw ko sa paghihintay sa wala!Nagmakaawa sila sakin na 1) Kung pwede pa daw magreshoot at gawin sa ibang araw. At sa kadahilanang marami akong nakaiskedyul na bakasyon at nasa workshop ako ay after may 5 pa ang susunod ko na available date. Ayoko na silang pansinin noon ngunit nangulit ng nangulit sila at nagsabing sige na kasi (1)nasubmit na namin pangalan mo, (2)naaksidente kasi kaya di agad nakarating (3) may exam kaya di agad nakarating (4) malaking kawalan at pagagalitan sila pag hindi natuloy. pati ang group leader nila ay nagtext sa akin si Nicollo Guck o mas kilala sa kanyang screen name na Nike/Nico Nuevo siya daw ang nagaasikaso at namamahala sa produksyong iyon. Sinabi nito na pagbigyan ko daw sila at muling ireschedule ang shoot sapagkat naisubmit na daw ang pangalan at magagalit daw sa kanila. Sinabi ko may posibilidad na pumayag ako sa ilang mga kundisyon. (1)Darating sila sa Oras, (2)Babayaran nila ang TF ko sa nasayang kong Araw na dapat ay shoot ko sa kanila at  (3)after May 5 pa ang availability ko. Pumayag naman sila.

Makalipas ng 2 lingo

May 6 Sunday ng naitakdang rescheduled date ng aming shooting 11 na ang napagusapang oras.pero ang dumating ay ang “bestfriend” ng kanilang head na si nico/nike na nangngangalang Cairin. mayroon siyang dalang video camera ung lumang JVC na de tape at dala rin niya ang 3-4 or more pages ng iscript na nasa text language. unang tanong niya saakin ay “saan tayo magshoshoot” wow! ako pa ung tinanong movie ko ba tong project na ito? kaya pinagbigyan ko at minabuti ko na tulungan nalang siya maghanap ng white na wall. Una pa lamang finifigure out ko na kung paano ko kakabisaduhin ang ganoon kahabang monologue ala play ang haba. kaya minabuti kong tanungin sila kung maaari ko bang basahin na parang idiot board na lamang ang papel at ilagay sa likod ng camera. pumayag naman sila.pinilit ko basahin ng may emosyon ang mala talambuhay na script at nagreshoot kami ng mga ilang eksenang halatang gumagalaw ang aking mata.Natapos namin ang huling eksena at tinanong ko kung okay na. ang sabi naman niya ay okay na iyon so ibig sabihin TAPOS NA ang bussiness ko sa kanila. Binayaran nila ang TF ko at yun tapos na. niyaya akong kumain at since hapon na at hindi pa ako nanananghalian nagpunta kami sa brothers burger. Ang akala ko ililibre ako sapagkat sa lahat ng produksyon na aking nasalihan komplimentary ang snacks para sa artista. pinauna ko siya sa counter pero ako ang sinabihan niyang umuna sa counter so ako nagbayad ng snacks ko.nakapagusap kami at parang napakamakwento niya about dun sa nico stalker ko daw iyon ako naman ay talaga baka fan naman kaya sina bi ko na nakakatuwa naman at may fan ako. natapos ang araw namin at nagkanyakanya

Nagtext at nagpasalamat ang kanilang leader sa akin dahil pinagbigyan ko sila nagsabi nito na labis daw ang paghanga nito sa akin(FAN) at nagsabi rin na tutulungan at hahanapan niya ko ng proyekto bilang kapalit sa ginawa ko para sa kanila.Kinuha nga niya ko ng proyekto isa para sa JUNE issue ng CANDY MAGAZINE kung kaya matapos ang ilang araw ay may nagtext saakin si Ms. Melinda San Diego Production Coordinator ng Candy Magazine na nirefer daw ako ni Mr. Noel Azcuea ang sabi pa nila they dont usually hire freelancers but they saw my pictures and they were interested to hire me.

Makalipas ang ilang araw ay nakikita ko ang away ni Abei na nasipa sa grupo at kay Nico na lider ng kanilang grupo sa FB di ko na pinansin at bigla nalamang kinontact nila (abi and nico) ako na mayroon pa daw isang scene nakailangan ishoot ung “baby scene” kung saan nagcoconfess ung babae na may anak nito. Ayoko nang gawin iyo tutal tapos na naman ang shoot ko at bussiness ko sa kanila tinanong ko kung okay na lahat bago matapos ang shoot at ang sabi nila ay ayos na ang lahat.ngunit naging MAKULIT sila at sinabi nilang huling pabor na ito sa akin at sanay pagbigyan ko silang muli. Di ko sila pinapansin ngunit patuloy ilang nangulit naging busy na ako ng mga panhong iyon mayroon akong dalawang kliyente sa aking bussiness na kinakailangan kong matapos. Sinabi ko na hindi ko na iyon magagawa ng watak ang kanilang grupo kaya nagbati si abi and nico na magkagrupo. Pumayag na ako gawin ang video pero sinabi ko na tatapusin ko muna mga kailangan kong gawin sapagkat priority ko ito at gagawan ko lamang sila ng pabor. ngunit noong araw na iyon kung kailan stress na ko sa gagawin ko kinukulit ako ni abeige. Napipikon na ko kaya hindi ko siya pinapansin ang dami niyang sinasabi na kinuha na ko ng project ni nico, mangiiwan daw ako sa ere, masasamang bagay na nagpainit ng ulo ko. Masasamang bagay na hindi na dapat kahit sinabi ko maghintay siya di parin siya nanahimik. Patuloy ang tunog ng aking notifications ng kanyang mga Mensahe. Kung kaya sa inis na marahil napagsalitaan ko sila ng masama. kwinestiyon ko ang katotohanan ng kanilang project sapagkat (1)wala pa ni isa kina NICO o ABEIGE na personal na nagpakita saakin sa shoot,ano ito isang stalker move? )(sapagkat sinabi mismo ni nico skain na stalker ko siya (2)Ang iscript nila ay 3-4 pages na text language wala man lamang detalye na interior o exterior day or night mga bagay na nasa iscript dapat.(3) unang una pabor na ang paghingi nila ng video sapagkat tpos na dapat ang bussiness ko sa kanila (4)Tinawag pa nila akong nangiiwan sa ere? Unang una hindi ko kasalanan kung hindi sila handa sa istorya at script nilang ala teleserye may kulang pa doon? dapat dumarating sa shooting handa na ang lahat. hindi ko sila iniwan sa ere kasalanan nila bakit nila ko kailangan habulin. (5) wala daw emosyon ang video ko bakit dahil hindi ako umiyak?pano ko ba naman lalagyan ng napakagandang iyak ang bagay na hindi ko makabisado at hind ko maintindihan sahil text language ito….

Oo siguro mali ung pagsalitaan ko sila dala ng pressure na sila rin mismo ang nagbigay sa akin pero grabe lng ni hindi man nila nagawan ng paraan? maaari naman nilang idub ang aking boses o gamitin ang eksisting na karakter sa kwento upang maiipasok ang ideya ng parteng iyon sa pelikula. Napikon ako ng sobra sobra sa sama ng kanilang mga sinabi .Nasaktan ako lalo noong sinabi nila na “honrable mention ka pa naman akala ko matalino ka bakit hindi mo magawa ang dami mo pa sinasabi” teka BAKIT GANYAN sino ba ang humihingi ng pabor dito at sino ba ang nakalimut kumpletuhin ag istorya at iscript. BAKIT NINYO BINABALIGTAD NA PARANG AKO PA ANG MAY UTANG NA LOOB?at leas ako nakagawa at nakapagtapos na may papel at tisis nanakasulat sa wikang filipino na hindi text language Ipinagmalaki niyo pa na tinulungan kayo ni Diek Lino Cayetano at siya ang nagaasikaso sainyo? paano nakapasa ang script ninyo sakanya?Kawawa naman siya ginamit niyo pa pangalan niya

Natapos ko nang isend ang video at ipinasabi ko sa kanilang lider ang nangyari. Sinabi niya sakin na inalis niyang muli si Abi sa grupo nila at mataops noon ay nagPM muli si abi ng maaanghang at masasakit na salita. hindi ko siya pinansin hangang siya ay manahimik natapos ang kanyang pangungulit sa ilang mga mensahe“dont worry sbhn q xa uncle noel ko na wag ng ituloy ung sa candy mo. ganituhan pala ah. ganda mo e sobrang gamda mo. nkakahya xau” ( insights:bayad na nga sa paghahassle niyo skn yan inalis mo pa fine! hindi lang naman iyan ang proyekto sa mundo. Nagtext nga saakin muli ang Production Coordinator ng Candy Magazine na si Ms. Melinda Santiago nagsasabing kinakansela ang pagbook saakin bilang model alam kong personal ang kadahilanang ito kaya sinabi ko nalang. “Thank you still for considering ms. sandiago looking up to summit publishing and your very professional work” totoo naman eh napakataas ng tingin ko sa summit publishing.Isa ito sa pinakamalaking kumpanya ngunit ngayon ko lang nalaman na pumapanig sila sa mga taong ito ibig sabihin lng madaling suhulan. Ang kanyang rason dahil may agent ako sa aking pagkakaalam maaari kang ihire ng kung sino hangat hindi ka exclusive sa mga agency kahit sinong modelo alam ito. sayang nasira ang pangalan nila sa aking pagtingin) sumunod sa mga mensahe niya ay “kapal mo din na sbhn mo pa sa bestfriend nea dhl alm mong ms papaknggan un,uo naking cla peu d dn mgtagal un dean namen mommy q, bka mtanggal sa honors prog c nico pag knalbhn nea q. tapang nea lng. nakakains kala mo kce cnu kang mkapagsalta”  (Insights Wow DEAN pala ng ATENEO ang kanyang ina ganyan pala ang pagpapalaki ng isang dean sa kanyang anak so UNPROFESSIONAL? itinuro ba saiyo ng iyong ina na kapag mayroon kang kliyente o kameeting paghintayin mo ito ng 4 na oras?gagamitin pa ang kanyang kapangyarihan para mapabagsak ang kaibigan nito na tumangap sa kanya sa grupo muli kahit may nagawa itong kasalanan?Ganyan na pala ang Atenista ngaun. Sayang kahit pa lasalista ako ay mataas parin ang tingin ko sa mga Atenista ngayon masaya ako hindi ako nakapagaral sa Ateneo kung ganyan ang klase ng edukasyon ang ibinibigay nila sa kanilang mga estudyante)

Huling mensahe nito skn “d kna mkaxagot (insights : Bakit ako magrereply o sasagot sa kababawan na ipinapakita mo. Ilang katanungan lamang para saiyo binibini.Ganyan ba ang natututunan mo sa ATENEO? Ganyan ba ang pagpapalaki sa iyo ng iyong ina na isang dean sa Ateneo? Asan ang iyong class at breeding ng isang atenista? ATENISTA ka ba talaga?)

Matapos ng huling mensahe na iyon ay natapos ang lahat ngunit matapos ang ilang araw ay nagtext saakin ang kanilang leader na si NIKE/NICO NUEVO o Nicollo Guck nagsasabing hindi daw niya nagustuhan ang ginawa ko kay abi at tinawag ko siyang stalker. (teka lamang at balita ko ay ikaw mismo ang umamin sa akin at pati na ang bestfriend mo na si Cairin na stalker ka) sumunod pang sinabi niya hindi nanaman namin gagamitin ung video mo na walang emosyon ibabalik na namin sa iyo at ibalik mo nlng ang ibanayad naming talentfee sa iyo.(Bakit ko naman ibabalik ung talent fee ninyo? cge subukan niyo kayang iyakan ung script ninyo na parang talambuhay ang haba, at ano yang video na yan cellphone ko na nga ginamit ninyo pang video sinend ko pa sainyo tpos ibabalik niyo lang na parang aso nanawawala saakin? That is a virtual file that can be recopied anywhere so even if you send those back to me im not sure if you already duplicated those.Another thing is Sinayang niyo  ung gas ko ng ilang araw di niyo pa ko pinakain, hinassle niyo pa ko DANYOS na iyon sa aberya pangaabala na ginawa niyo saakin)Nagblackmail pa itong si nico na ipapablock niya ko sa lahat ng advertisers and talent coordinator ( Ayun naman pala eh madami kang kilala? bakit hindi ka sikat?at kung maniwala man sila sa iyo ay magpapatunay lng na hindi rin sila propesyonal katulad ninyo na hahayaan din nilang mangyari ang parehong  insidente sa future talents nila.)

Hanggang ngayon nangungulit parin sila at hindi ko nalamang pinapansin

Naniniwala ako sa Karma,ngunit kahit anong mangyari nasira na ang aking pagtingin sa mga ATENISTA sa ATENEO DE MANILA at sa Summit na noon ay tinitingalaan ko

SANA’Y MAGSILBING ARAL AT BABALA ITO SA MGA NASA INDUSTRIYA AT MGA NAIS PUMASOK SA INDUSTRIYA. Sabi nga ng aking mga kaibigan at kaibigan sa industriya masyado ako naging mabait.Hindi lahat mapagkakatiwalaan!nabiktima na ko ngayon sana wag mangyari ito sa inyo.Alam kong nasa Tama ako at pakiramdam ko naaapi ako kaya pinili kong magsalita.

Ngayon alam ko na bakit ang ibang artista ay nababansagang masungit. Hindi naman talaga sila masungit marahil ay prinoprotektahan lamang nila ang kanilang mga sariling sa mga taong kagaya nila ABEI at NICO. We might not know what more this people can do. Mayroon pa palang weird na nangyayari bakit inaadd ni ABEI lahat ng Guy friends ko kahit di naman nila ito kilala? Ingat lang aking mga kapamilya kapuso’t kapadid

Try to be nice to everyone but pick those you will fully trust

Para sa inyong impormasyon ito ang itsura ng mga tinutukoy kong si ABEIGE BUENDIA at si NICOLLO GUCK a.k.a. Nico/Nike Nuevo ay ang mga nasa Larawang ito Ang litrato ni Abi mula sa kanyang facebook at ang litrato ni Nico Nuevo ay mula sa wall post ni Abi ngunit mayroon din akong nahanap na litrato nito sa kanyang profile sa JayD Productions noong sinubukan kong hanapn ng picture sa google

PHOTO SOURCE: http://jaydproductions.multiply.com/photos/album/2323/Nico_N_Jayded_Series_1-5

: http://www.facebook.com/profile.php?id=100000267261146

Isinulat ko ito bilang paggamit ng aking mga karapatan sa kanilang tinatawag na freedom of speech. Mayroon akong karapatan ibahagi sa iba ang karanasang ito para magsilbing aral sa kanila at wag na sanang maulit ang ganitong pangyayari. Para sa magbabasa nito nagkamali ako sa panahong ito sa susunod ay alam ko na. Wag basta basta magtitiwala sa kung sino sino

Ngayon na ang simula ng aking pananahimik. ang importante sa akin alam ng buong mundo ang pangyayari para kahit ano ang masabi pa nila tungkol saakin mababasa niyo ang aking panig. Ang panig ng talent, Ang panig ng tama at ng katotohanan. Kayo na ang maghusga pero tandaan niyo naniniwala ako sa KARMA!

—-PAGTATAPOS—-